Sanggol initsa, binugahan ng usok sa mukha ng ina nang live sa Facebook

3868
Screenshot mula sa nag-viral na video.

Arestado ang isang nanay sa Tennessee, USA, matapos iitsa-itsa at bugahan ng usok ang anak habang naka-live sa Facebook.


Sinampahan ng kasong child abuse ang 24-anyos na si Tybresha Sexton na dinakip ng pulisya sa kanyang apartment sa Chattanooga noong Linggo.

“[I] didn’t want that fuc*in’ baby anyway,” saad ng ina na amoy alak umano nang arestuhin, ayon sa ABC News.

Sa nag-viral na clip mula sa livestream, mapapanood na inaangat-angat ng ina sa ere ang isang buwang gulang na sanggol gamit ang isang kamay habang naninigarilyo.

Screenshot mula sa nag-viral na video.

Noong una’y itinanggi pa umano ni Sexton ang paratang at pinahintulutan ang mga pulis na tingnan ang sanggol.

Ngunit ilang kapitbahay ang pumunta sa apartment para ipakita sa pulisya ang 30-minutong video na makikita rin ang pag-alog ng ina sa sanggol, pagpulot gamit ang isang kamay, at pagbitaw rito.

Nasa pangangalaga na ng nanay ni Sexton ang sanggol, habang nakatakda naman siyang humarap sa korte sa Oktubre 4.




Facebook Comments