SANGGOL, IPINANGANAK SA GITNA NG DAGAT

Sakay ang isang ferryboat mula sa Babuyan Islands ay patungo sana ang tatlong buntis na ginang sa Aparri District Hospital ngunit di pa man nakakarating sa destinasyon ay inabutan na ng panganganak ang isang babae sa gitna ng dagat.

Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, ayon kay Julius Addatu, Municipal Planning and Development Coordinator ng isla, may tatlong buntis na pasahero ang sakay ng ferry boat na nakatakda nang manganak.

Ngunit nasa kalagitnaan palang ng biyahe ay pumutok na ang panubigan ng isang ginang na nagngangalang Ailene kaya’t nagdesisyon na ang nurse na paanakin ang pasyente sa ferryboat.

Samantala, bilang isang registered nurse ay lumapit din si Addatu ng marinig na may manganganak sa mga biyahero upang tumulong sa pagpapaanak.

Aniya, ito ang muli ang unang pagkakataon niyang magpaanak matapos ang sampung taon.

Samantala, inabot umano ng tatlong oras ang panganganak ni Ailene.

Pagdating sa pampang ng Aparri ay agad namang isinakay ang babae at ang kanyang baby sa Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT) vehicle para dalhin sa pagamutan.

Facebook Comments