Nahimatay ang isang 21-anyos na babae mula India matapos makita ang isinilang na sanggol na mayroong dalawang ulo at tatlong kamay.
Ayon sa ulat, nagtungo ang mag-asawang Babita at Jaswant Singh Ahirwar sa Vidisha Sadar Hospital sa Madhya Pradesh para patingnan ang kanyang tyan na noo’y nasa ika-35 Linggo na.
Sabi ng doktor, kambal raw ang magiging anak ng dalawa ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, magkadikit ang dalawang anak ng mag-asawa.
Batay sa salaysay ng laborer na kinilalang si Jaswant, nahimatay umano si Babita nang maipanganak at makita ang itsura ng sanggol.
Pahayag ni Babita, magkahalong emosyon raw ang naramdaman niya nang iabot sa kanya ng nurse ang anak.
“When the nurses removed the towel, I was shocked to see our firstborn with two heads and three hands,” aniya.
Ayon pa kay Dr. Surendra Sonkar, isang pediatric specialist, mayroong dalawang palad ang kamay ng isa sa mga sanggol, ngunit iisa lamang ang puso at internal organs ng dalawa.
“This is a very rare condition,” giit niya.
Samantala, kasalukuyan namang sumasailalim sa treatment ang sanggol at nasa pangangalaga ng mga doktor sa Hamidia Medical College and Hospital sa Bhopal.
“This is my baby, and I will raise him as he is. I am yet to hold him in my hands,” saad naman ni Babita.