Pinoproseso na ng Maguindanao Provincial Hospital ang sitwasyon ng isang sanggol na ipinanganak na may dalawang ulo.
Sa panayam ng DXMY kay IPHO Maguindanao Health Officer Dra. Elizabeth Samama, nirefer na ng MPH ang bata sa SPMC , Davao City at Philippine General Hospital upang mabigyan na sapat na medical attention.
Sinasabing isinilang ang sanggol noong gabi ng October 28 ng kanyang ina sa pamamagitan ng Cesarean Delivery.
Laking gulat na lamang ng Ina ng bata at mga medical staff matapos bumulaga ang sanggol na may dalawang ulo sa iisang katawan.
Bukod sa kanyang sitwasyon, normal naman ang lahat sa nasabing sanggol, may iisang puso at iba pang vital parts ng katawan ang baby girl.
Nagmumula sa bayan ng Rajah Buayan ang mga magulang ng bata. Ito na ang ikalawa nilang anak, base sa impormasyon na nakuha ng DXMY.
Kasalukuyang nasa NICU ng Hospital ang sanggol.
Nilinaw naman ni Dra. Samama na walang kinalaman sa nangyaring lindol na naitala noong umaga ng lunes ang naging sitwasyon ng bata.
Kaugnay nito, hinimok naman ni Dra. Samama sa lahat ng mga nagdadalang tao na ugaliin ang magpapre- natal check -up para narin sa kaligtasan ng mga ito at ng kanyang magiging anak. (D.A)
Sanggol, isinilang ng may dalawang ulo sa Maguindanao
Facebook Comments