Sanggol na isinilang 9:11 gabi ng 9/11, tumimbang ng 9lb 11oz

Facebook/Methodist Healthcare

“Little miracle” kung tawagin ng kanyang ina ang sanggol na ipinanganak sa malungkot na anibersaryo ng 9/11 attack.

“She is a new life amongst the devastation and destruction,” saad ng inang si Cametrione Moore-Brown.

Sa pamamagitan ng Caesarean section, isinilang si baby Christina nitong Setyembre 11, saktong 9:11 ng gabi sa Methodist LeBonheur Hospital sa Germantown, Tennessee.


Mas ikinamangha ng mga doktor at nars nang makitang tumimbang ang sanggol ng 9 pounds 11 ounces.

“We heard the doctor announce the time of birth 9/11 and then when they weighed Christina, we heard gasps of astonishment when everyone realized Christina weighed 9/11, was born at 9:11 and on 9/11,” kuwento ng tatay na si Justin Brown.

Bihira umano ang ganitong pagkakataon ayon kay Rachel Laughin, parent care coordinator ng ospital.

“I’ve worked in women’s services for over 35 years, and I’ve never seen a baby’s birthdate, time of birth, and weight all be matching numbers,” ani Laughin.

Facebook Comments