Sanggol na isinilid sa eco bag, inabandona sa Laguna

538
Screengrab from CCTV footage courtesy of Brgy. Poblacion, Biñan City, Laguna.

Nakakabit pa ang inunan ng isang sanggol na natagpuang nakasilid sa eco bag sa tabing-kalsada sa Biñan City, Laguna.

Nakita ng isang street sweeper ang lalaking sanggol habang naglilinis sa kalye ng Florante sa Barangay Poblacion, umaga ng Martes.


Batay sa CCTV footage na sinuri ng barangay, pasado alas-4 ng madaling araw nang iwan ng isang babae ang sukbit niyang eco bag sa likod ng nakaparadang kotse.

Hindi pa matukoy ng Violence Against Women and Children’s desk ng barangay kung ang naaktuhang babae ay napag-utusan lamang o ang mismong ina ng sanggol.

Dinala naman agad ng street sweeper sa barangay ang sanggol na sa ngayon ay nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office.

Patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang ina ng bata upang alamin ang dahilan sa pag-abandona sa anak.

Facebook Comments