
CAUAYAN CITY – Opisyal nang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Social Welfare Field Office 02 ang sanggol na si “Luz” o kilala rin bilang si “Baby Bella” nitong, ika-20 ng Marso.
Kung matatandaan, nag-viral sa social media si Baby Bella matapos itong i-post ng isang residente ng Sanchez Mira, Cagayan, na humihingi ng tulong sa publiko.
Ayon sa ulat ng Lokal na Pamahalaan ng Sanchez Mira, ilang buwan matapos ang pagkapanganak ng sanggol ay pumanaw ang ina nito.
Tiniyak naman ng ahensya ang kaligtasan ng bata sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) kung saan kabilang sa hakbang ang proteksyon laban sa anumang uri ng trafficking at illegal adaptation.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Reception and Study Center for Children (RSCC) sa Solana, Cagayan si Baby Bella.