Sanggol na namatayan ng ina matapos siyang isilang sa Riyadh, kapiling na ng kanyang pamilya sa Pilipinas

Mula sa isang shelter sa Riyadh ay nasa piling na ngayon ng kanyang pamilya sa Quezon Province ang sanggol na namatayan ng ina matapos siyang isilang sa Saudi Arabia.

Ang sanggol na tinawag na “Baby Mary” ay anim na buwang gulang na at hindi pa matukoy kung sino ang kanyang ama.

Siya ay sinalubong ng kanyang lola, tita, tito, at ate nang dumating sa Pilipinas.

Binigyan din siya ng tulong pinansyal at iba pang serbisyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para matiyak na magiging maayos ang kanyang paglaki.

Facebook Comments