Sanggol na pinangalanang Google, nakatanggap ng regalo mula sa Google Indonesia

Image via lambe_turah on Instagram

Binigyan ng regalo ng Google Indonesia, popular na search engine giant sa internet, ang isang sanggol na pinangalanan ng kaniyang magulang na Google.

Ayon kay Ella Karina, ina ni Google, mayroong token of appreciation at souvenirs sa loob ng kahon na makikita sa larawan na ibinahagi ng @lambe_turah sa Instagram, isa na rito ang suot ng sanggol na blue jumpsuit.

Dagdag ni Ella, tinawagan ng Google Indonesia si Andi Cahya Saputra, ama ng pitong buwang sanggol, at sinabi ang pabati nito sa kanilang anak. Kasabay din nito ang regalo na mula mismo sa kumpanya.


Pahayag ni Ella, sinabi rin ng Google Indonesia na sana ay maging kapaki-pakinabang si Google sa mga tao at maraming matulungan balang araw.

Ayon pa kay Ella, noong pinagbubuntis niya pa lamang si Google ay naisip niya ang mga pangalan na Microsoft, iPhone, iOs, Windows at iba pa.

Facebook Comments