Sanggol, nalambat sa dagat sa Davao

Sa halip na isda, nalambat ng mangingisda ang isang patay na sanggol na palutang-lutang sa baybaying dagat sa bayan ng Agdao, Davao City, Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-9 nang matagpuan ang bangkay ng nasa 8-buwan gulang na sanggol na babae sa baybayin ng Sta. Catalina, Purok 7, Brgy. Lapu-Lapu.

Pumapalaot na raw ang mangingisdang si Romie Abayon nang malambat ang sanggol.


Agad namang ipinagbigay-alam sa awtoridad ang insidente at dinala na sa punerarya ang sanggol para mabigyan ng maayos na libing.

Inaalam pa kung sino ang responsable sa pagtatapon sa sanggol upang mapanagot.

Facebook Comments