
Cauayan City – Patay ang isang sanggol na walang awang tinapon sa canal sa palayan sa Brgy. San Antonio, Cauayan City, Isabela partikular sa Sitio Tabbaruk, kahapon, June 24, 2025.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Kagawad Oberez at sa imbestigador ng kaso, nasa advanced stage na ng pagkabulok ang sanggol nang ito ay madiskubre. Nilalangaw na umano ito at may mga palatandaan na mahigit dalawang araw na itong nasa kanal bago natagpuan.
Tinatayang nasa isa hanggang dalawang buwan na ang sanggol at mahigit dalawang araw na ring nasa canal.
Lubos ang pagkabigla at dalamhati ng mga residente sa lugar, lalo’t hindi inaasahan ang ganitong uri ng insidente sa kanilang komunidad. Kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad upang imbestigahan ang kaso at alamin kung sino ang responsable sa karumal-dumal na insidenteng ito.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang salarin sa likod ng pag-abandona at pagpatay sa inosenteng sanggol.
Nanawagan naman si Barangay Kagawa Oberez sa publiko na magbigay ng anumang impormasyon na maaaring makatulong sa paglutas ng kaso.









