Sanggol, patay matapos pasusuhin ng ina habang nakadroga

94860

INDIANA, USA – Arestado ang isang ginang nang mamatay ang kanyang bagong silang na sanggol matapos niya itong padedehin habang nakadroga.


Una nang iginiit ni Ashlee Rans, 36, na nadaganan niya lang ang anak habang sabay silang natutulog noong Disyembre 19, 2019.

Ngunit lumabas sa imbestigasyon na hindi ito ang dahilan ng pagkasawi ng sanggol.

Sabi ni Marshall County Chief Prosecutor Tami Napier, namatay ang bata dahil sa acute methamphetamine intoxication o pagkalango mula sa drogang ginamit ng kanyang ina na naipasa habang pinapadede siya nito.

Sa kabila ng pahayag ng suspek na marijuana lang ang kanyang ginamit, nakita sa awtopisya na parehong amphetamine at methamphetamine ang nakita sa katawan ng sanggol.

Parehong nagsisilbing stimulant o pampalakas-loob ang mga nasabing droga kapag ilegal na ginamit na labis ang epekto sa katawan ng tao.

Samantala, kasalukuyan ng nasa Marshall County Jail si Rans at hinablaan na ng ‘two counts of neglect of a dependent resulting in death’.




Aabot sa 20 hanggang 40 taong pagkakakulong ang suspek sakaling mapatunayan ang krimen.

Facebook Comments