Sanggol, patay nang mabagsakan ng sariling ina habang inaatake umano sa puso

TEMPE, Arizona – Patay na nang matagpuan ang 4-buwang-gulang na sanggol matapos umanong mabagsakan ng kanyang sariling ina habang inaatake ito sa puso.

Wala ng buhay at magkapatong ang mag-inang Larinique Meadows, 38 at Denari nang abutan ng awtoridad sa loob ng kanilang townhouse noong Sabado ng gabi, bandang alas 5:00 ng hapon.

Ayon sa pulisya, maaaring nakaramdam noon ng pananakit ng dibdib si Larinique na pinaniniwalaang may masamang kondisyon sa puso.


Bago mangyari ang trahedya, hinihinalang gumamit pa ito ng telepono para alamin ang sintomas ng chest pain dahil sa nararamdaman.

Saad ni Tempe Police Det. Greg Bacon, “It’s a very, very tragic incident in which we believe that she had some sort of heart condition, heart episode, and then passed away and fell on top of Denari.”

Samantala, natutulog daw noon ang kanilang padre de pamilya at saka lang nadiskubre ang wala ng buhay na mag-ina nang aalis na siya para magtrabaho.

Gayon pa man, kasalukuyan nang inaalam ng Medical Examiner’s Office ang opisyal na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Facebook Comments