Sanggol, patay sa sunog sa Caloocan

Kinumpirma ng Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na isang sanggol ang namatay sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Phase 8, Brgy. 176, North Caloocan City ngayong gabi.

Ayon kay Caloocan DRRMO Chief James Lao, walong buwang gulang ang biktima.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pagkamatay ng baby.


Umabot lamang sa unang alarma ang sunog.

Nagsimula ito kaninang alas-6:53 ng gabi at idineklarang fire under control bandang alas-7:10 ngayong gabi.

Facebook Comments