Sanggol sa London, nasuriang may coronavirus ilang minuto matapos isilang

Isang sanggol mula London ang nasuriang mayroong coronavirus ilang minuto matapos itong isilang.

Ayon sa report ng The Guardian, parehong nagpositibo sa North Middlesex hospital sa Enfield ang mag-ina.

Una nang naospital ang nanay ng bata sa hinihinalang pneumonia bago ito manganak.


Samantala, hindi pa rin umano malinaw kung nakuha ng sanggol ang virus bago o habang ipinanganganak ito kaya patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad.

Naireport na kasalukuyang ang naturang sanggol ang naiulat na pinakabatang mayroong virus sa mundo.

Nitong Pebrero, isang sanggol naman sa Wuhan, China ang nagpositibo 30 oras matapos maisilang.

Facebook Comments