Sanggol sa Malabang, Maselan matapos mabagsakan ng Durian

Patuloy na inoobserbahan ngayon sa isang pagamutan ang isang 23 Days Old na batang lalaki matapos mabagsakan ng bunga ng Durian sa Malabang Lanao Del Sur.
Sa naging panayam ng DXMY ngayon umaga sa ina ni Baby Abdul Bari na si Janna Bangnoraida, August 4 ng hapon ng bigla na lamang silang nakaranas ng malakas na hagupit ng hangin, bigla rin aniya may kumalabog sa kanilang bubong at dirediretsong tumama sa mukha ng kanyang anak.
Laking gulat na lamang ni Janna , na bunga pala ng Durian ang bumagsak sa mukha ng kanyang anak. Agad na naisugod sa pinakamalapit na ospital sa Malabang si Baby Abdul Bari, ngunit dahil sa nagtamo ito ng matinding pinsala sa mukha ay agad rin itong inilipat sa Ozamis Area.
Kaugnay nito, dahil sa kakapusan, nanawagan sa publiko ang pamilya ni Baby Abdul Bari na sanay matulungan sila sa pagpapagamot ng kanilang anak. Bukod sa kinakaharap na problema sa sitwasyon ng kanilang pangatlong anak, nasira rin aniya ang kanilang tahanan dahil sa hagupit ng malakas na hangin.
Hindi rin aniya nila kakayanin ang mga gastusin sa pagamutan dahil tricycle driver lamang ang kanyang mister, habang wala naman itong trabaho.

Facebook Comments