Sanggol sa US, nilapa ng pitbull habang nasa isang party

609

CHICAGO, Illinois – Patay ang isang 17-buwang-gulang na sanggol matapos lapain ng aso habang nasa isang party noong Hulyo 4.

Ayon sa report ng the Chicago Sun-Times, nasawi noong Linggo sa isang ospital ang sanggol na si Marley Wilander, kung saan sila dumalo sa isang selebrasyon para sa kaibigan.


Iniwan daw ng mga magulang ang kanilang anak sa playpen sa kwarto ng kaibigan at makalipas ang ilang sandali ay dinalaw ng dalawang pitbull ang bata.

Naiulat na nakawala umano ang mga ito mula sa basement at ilang saglit pa ay natagpuan na lang na nilalapa na ng isa sa mga aso ang kawawang paslit.

Agad namang nakuha ng may-ari ng bahay ang alagang aso ngunit puno na ng kagat sa katawan ang biktima.

Naisugod pa ito sa ospital kung saan siya idineklarang patay kalaunan.

Lumabas sa awtopsiya na nasawi ang paslit sa nangyaring atake ng naturang hayop.




Wala namang isinampang anumang reklamo samantalang idinala na sa Joilet Township Animal Control ang aso.

Facebook Comments