Sanggol sa US, patay matapos lapain ng alagang aso

SOUTH DAKOTA, US – Nasawi ang isang 6-linggong-gulang na sanggol matapos lapain ng alagang aso ng kanyang pamilya.

Sa inilabas na report ng Keloland News, makailang beses daw kinagat ng hayop ang bata habang nasa bahay noong Huwebes.

Naisugod pa raw ito sa ospital ngunit binawian ng buhay kinalaunan dahil sa mga tinamong sugat at pinsala sa tindi ng atake.


Dahil sa insidente ay sinusuri na ng pulisya ang nag-udyok sa naturang aso para gawin ang pag-atake na agad na inilipat sa Sioux Falls Area Humane Society kung saan ito iniimbestigahan.

Sa kanilang pahayag, kumakagat daw ang mga aso’t pusa sa tuwing sila ay natatakot.

Maaari umanong takot sila sa paligid at sa mga nangyayari na kanilang nasasaksihan.

Kaya paalala nila sa lahat, maging maingat dahil walang nakakaalam kung kailan mangangagat ang isang hayop at kung kailan ito aatake.

Facebook Comments