Nagpahayag ng buong suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa pagsasaayos, rehabilitasyon at posibleng paglipat ng Lingayen Airport.
Bilang pagpapakita ng suporta, isang resolusyon ang inaprubahan sa isang espesyal na sesyon nito lamang Agosto 24.
Inakda ni Sangguniang Panlalawigan Member Salvador S. Perez, Jr. ang resolusyon at nakasaad na “sa kasalukuyan, ang Lingayen Airport ay hindi pa sapat na napanatili o anumang makabuluhang pagpapabuti ay naroon upang maging moderno kumpara sa mga umiiral na maunlad na paliparan ng ibang mga lalawigan sa bansa.”
Isa sa mga plano ng administrasyon ni Gobernador Ramon V. Guico III ay ang pagpapahusay ng turismo, kalakalan, komersyo at industriya sa lalawigan.
Base pa sa resolusyon, ang pag-upgrade ng pasilidad, upang maging isang “fully functional at well-developed Lingayen Airport ay hindi lamang makakaakit ng mga lokal at dayuhang turista at mamumuhunan ngunit magsisilbi rin bilang simbolo ng paglago at pag-unlad sa Lalawigan ng Pangasinan.
Ang Lingayen Airport ay isang feeder airport. Layon nito upang matugunan ang mga pangangailangan sa transportasyong panghimpapawid ng lalawigan at mga kalapit na lalawigan.
Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ang mga planong pagandahin ang imprastraktura ng lalawigan tulad ng pagtatayo ng Pangasinan Link Expressway, ay binibigyang prayoridad.
Ang mga planong magtatag ng mga bagong pasilidad sa turismo upang pasiglahin ang industriya ay inuumpisahan na. |ifmnews
Facebook Comments