Tiniyak ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan na magiging produktibo ang kanilang trabaho sa kabila ng pagtakbo ng halos lahat ng miyembro nito sa nalalapit na halalan ngayong taon.
Ayon kay Vice Governor Mark Lambino sa unang sesyon ngayong taon na isinagawa kahapon, tuloy tuloy na nagtatrabaho ang miyembro ng SP kahit pa eleksyon ngayong taon at kakandidato ang halos lahat sa mga ito.
Aniya, marami umanong aasahan ang mga Pangasinense na marami pang programa ang maisasakatuparan ngayong taon.
Binigyang diin ni Lambino na marami umanong naipasang proyekto at programa ang SP noong 2024 kung kaya’t mas titiyakin pa nilang magpapatuloy ito ngayong taon para sa kapakanan ng mga mamamayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments