Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte sumuporta sa resolusyon ng Ilocos Sur hinggil na sa sobrang pagbaba sa presyo ng kopra

Suportado ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ngZamboanga del Norte ang resolusyon ng probinsya ng Ilocos Sur na humikayat sanational government para sa agarang pagtugon sa problema ngayon sa sobrangpagbaba sa presyo ng kopra.
 

Kaugnay nito, nagpasa ng resolusyon si Zamboanga delNorte 2nd District Board Member Ronillo Lee sa ginawang regularsession ng mga miembro ng Sangguniang Panlalawigan na sumusuporta sa ProvincialResolution No. 158=XVIII, Series of 2018 ng Sangguniang Panlalawigan ng IlocosSur. 
 

Sa nasabing resolusyon na pinirmahan ni Atty. MariaEllen Cabatu, CPA, ang Provincial Secretary sa naturang probinsya, sinabi nitona bumaba ang presyo sa kopra higit pa sa 60% sa average price na mababa sabreak-even price sa produksiyon nito na sobrang naka-apekto sa hanapbuhay sa milyongmga mag-sasaka ng niyog at pamilya nito.
 


Dahil dito, umaasa rin ang mga magsasaka ng niyog salalawigan na sanay matugunan ng national government ang problema sa sobrangpagbaba ng presyo sa kopra na sobrang nakaapekto sa pamumuhay ng mahihirap namga magsasaka.
-30-  (Mardy D. Libres)

 

Facebook Comments