Manila, Philippines – Matapos ang SK at Barangay election bumungad naman sa mga motoristang nagdaraan sa Delpan Road 10 sa Tondo Manila ang sangkaterbang basura kung saan ginawang dump site ng mga residente sa lugar ang mga basura na likha ng nakaraang halalan.
Inaasahang magdudulot ito ng matinding pagsisikip ng daloy trapiko dahil sa nakatambak na basura sa SK at Barangay election.
Panawagan ng mga motoristang dumadaan sa lugar sa lugar sa Manila City Government na bigyan ng kaukulang aksyon at hakutin ang gabundok na basura at dapat papanagutin ang Punong Barangay na nakakasakop sa naturang lugar.
Bukod sa nakapirwesyo sa mga nagdaraang motorista nanganganib din ito sa kalusugan na maaring magdulot ng sari saring sakit dulot ng hindi masangsang na amoy na nanggagaling sa sangkaterbang na basura.