Sangkaterbang basura, nahakot mula sa Roxas Blvd. dulot ng pananalasa ng Bagyong Ulysses

Puspusan ang paglilinis na isinagawa ng mga kawani ng Parks Development Office (PDO) sa kahabaan ng Baywalk sa Roxas Boulevard matapos manalasa ang Bagyong Ulysses.

Ilan sa mga basurang nahakot ng PDO ay mga bote ng tubig, sirang mga sapatos at mga bato na galing sa dagat.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng pamahalaang lungsod ng Maynila na panatilihin ang kalinisan sa lahat ng oras at itapon ang mga basura sa tamang sisidlan.


Ang pagpapanatili ng kaayusan sa Lungsod ng Maynila ay isa sa mga pangunahing adhikain sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Facebook Comments