Sangkaterbang mga hindi lisensyadong baril, nasabat ng PNP-CIDG sa Marikina

Umaabot sa 53 mga baril ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos magkasa ng raid sa isang tindahan ng mga baril sa Marikina noong Biyernes.

Iprinisinta ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda ang mga loose firearms na kinabibilangan ng 26 na long at 27 short firearms.

Ayon kay Acorda, sinalakay ang naturang tindahan ng mga baril sa bisa narin ng 2 search warrants kung saan arestado ang isang indibidwal.


Ikinababahala ni Acorda ang bentahan ng baril dahil bukod sa hindi lisensyado ay sa online pa ito itinitinda.

Kabilang naman sa mga parokyano ng suspek ay mga gun enthusiasts, mga uniform personnel ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) at ilang politiko na mayroong private armed groups.

Sa ngayon, patuloy ang follow-up operation ng PNP CIDG upang matukoy kung sino-sino ang mga nakatransaksyon ng suspek.

Facebook Comments