Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Education o DepEd na maraming mga insentibo ang matatanggap ng mga pampublikong guro sa bansa.
Bilang pagbibigay pasasalamat sa mga guro sa kanilang naiaambag upang magkaroon ng isang magandang kinabukasan at mahubog ang kamalayan ng mga mag-aaral.
Sangkaterbang mga regalo sa mahabang selebrasyon ng National Teachers Day, National Teachers Month at World Teachers Day ay magkakaroon ang mga teachers ng discounted rate ng 100 piso sa pagpasok sa BenCab Museum sa Enchanted Kingdom, 20 percent off sa Executive Optical, libreng regular fries sa isang kilalang fast food chain, at libreng entrance sa Museo Pambata kung saan kailangan lamang ipresenta ang kanilang mga School ID.
Ayon sa DepEd, ang naturang mga insentibo ay bilang pasasalamat at ipabatid na rin sa mga guro na napakalaking papel ang kanilang ginagampanan upang hubugin ang ugali ng mga mag-aaral tungo sa magandang kinabukasan.