Sarangani – Kalaboso ang kapitan ng Barangay Lumatil, Maasim, Sarangani na umano’y sangkot sa iligal na droga.
Kasalukuyan nang nakakulong sa Maasim Municipal Police Station ang barangay chairman na si si Bonny Gialel Sultan.
Sa ulat, nagsagawa ng operasyon ng mga otoridad sa bahay ng nasabing punong barangay kung saan nakuha dito ang ilang pakete ng iligal na droga at mga sangkap sa pampamsabog.
Hindi naman nagbigay pa ng komento ang kapitan pero mariin niyang itinanggi ang mga akusasyon sa kaniya.
Facebook Comments