Nakorner ng mga residente ng Brgy. Nalsian Calasiao ang dalawang Menor de edad na sangkot di umano sa ilang nakawan sa bayan.
Ayon sa pulisya, namukhaan ang mga ito ng kanilang mga pinagnakawan. Ayon sa ilang residente sa lugar nagkaroon daw ng komosyon matapos makitang may nagtatakbuhan at sumisigaw na umano’y may magnanakaw.
Dito na nakorner ng mga residente ang mga menor na noon nagsipagtago sa loob ng isang establisyimento.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan sa kawani ng Calasiao Police Station, isang linggo na umanong nangyari ang pagnanakaw ng dalawa.
Hanggang sa kasalukuyan, naipaliwanag na raw umano sa biktima na mga menor ang nasangkot at nauna na ring nakipagkasundo ang mga magulang ng mga ito.
Nakatakdang iturn-over ang mga ninakaw ng mga suspek na selpon at pera sa may-ari.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments