Sangley Airport project, magtutuloy-tuloy pa rin kahit ban sa Estados Unidos ang ilang Chinese firms na nakakuha ng proyekto

Tuloy ang Sangley project sa kabila ng pagpataw ng sanctions ng America sa ilang Chinese firms na dawit sa konstruksyon ng artificial islands sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, malinaw ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi na maaaring magpatupad ng blacklisting ang Estados Unidos sa ilang Chinese companies sa kanilang teritoryo sa America at sa mga base militar na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon, pero hindi susunod ang Pangulo sa direktibang ito dahil ang Pilipinas ay isang malaya at indipendiyenteng bansa at kinakailangan din natin ang mga mamumuhunan galing sa Tsina.

Matatandaan na ang Sangley Airport Development Project ay nakuha ng China Communications Construction Co. Ltd. (CCCC) at ng Lucio Tan’s MacroAsia Corp. Ang CCCC ay kasama sa 24 na Chinese firms na blacklisted sa US Department of Commerce dahil sa pagkakadawit sa konstruksyon ng mga artificial islands sa South China Sea.


Una nang sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na nakahanda ang provincial government na i-terminate ang deal sa pagitan ng CCCC kung ito ay may banta sa national security.

Facebook Comments