Lanao Del Norte – Matapos makasela ang pagbisita sa Marawi City, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lanao Del Norte ang briefing ng National Disaster Risk Reduction And Management (NDRRMC) kaugnay ng pananalsa ng Bagyong Vinta.
Sa briefing, nakiramay ito sa mga nasawi at nadamay sa kalamidad.
Naniniwala rin ang Pangulo na ang climate change ang isa sa mga dahilan ng mga kalamidad at maging ang pagkakalbo ng mga kagubatan sa bansa.
Samantala, ayon sa Pangulo, ayaw niya ng mga committee kaya inaatasan na lamang nito si Office of the Civil Defense (OCD) Administrator Eduardo Del Rosario bilang “pointman” sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Facebook Comments