Sanhi ng malaking sunog sa residential area sa Tondo, Maynila – hindi pa matukoy

Blangko pa ang arson investigators ng Maynila sa sanhi ng malaking sunog na lumamon sa maraming bahay sa Road 10 kanto ng Aroma Gagalangin, Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog bago mag-alas dose ng tanghali at umabot ito sa task force bravo.

Naging pahirapan ang pag-apula sa sunog dahil sa malakas ang hangin sa lugar.


Bamaga’t 14 na fire trucks ang nagtulong-tulong sa pag-apula sa apoy, kinailangan pa ring gumamit ng chopper sa pag-apula sa malaking apoy.

Pawang gawa sa light materials ang mga bahay na natupok ng apoy.

Hindi pa masabi ng mga imbestigador ang kabuuang bilang ng mga bahay na natupok sa malaking sunog.

Facebook Comments