Sanhi ng pagpanaw ni Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Datol, kinumpirmang dahil sa COVID-19

227

Kinumpirma ng second nominee ng Senior Citizen Party-list na si Rodolfo Ordanes na COVID-19 ang sanhi ng pagpanaw ni Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Datol Jr.

Sa inilabas na pahayag, “acute respiratory distress due to COVID-19” ang dahilan ng pagkamatay ng kongresista kahapon.


Ayon kay Ordanes, bago pa man pumanaw si Datol ay aktibo ito sa pamamahagi ng bakuna para sa mga senior citizens sa iba’t ibang komunidad.

Kasalukuyan namang nakikipag-ugnayan ang House Secretariat para sa necrological honors na ibibigay sa yumaong mambabatas.

Si Datol ay nagsilbing kongresista noong 17th at ngayong 18th Congress kung saan tumayo itong Chairman ng Special Committee on Senior Citizen Affairs.

Siya rin ang may-akda ng National Commission of Senior Citizens (RA 11350) at nagsulong ng Universal Pension Bill at pag-amyenda sa Centenarian Act.




Facebook Comments