Sanhi ng Power Outage, Alamin!

Baguio City, Philippines – Nagulat ang karamihan kahapon sa biglaang pagkakaroon ng unscheduled power outage sa ilang parte ng lungsod bandang alas kwatro ng hapon. 

Ayon sa Baguio – Benguet Electric Cooperative o BENECO ay dahil raw ito sa natumbang puno na tumama sa mga high voltage lines at naapektuhan ang Feeder na ika-lima at ika-anim sa Leonard Wood Road. 

Panandaliang isinara ang kalsada upang maayos ito at mabilisan rin ang aksyon na ginawa ng BENECO personnel upang ayusin ito.


iDOL, naapektuhan ka ba ng brown out kahapon?

Facebook Comments