Manila, Philippines – Hindi pa din matukoy ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) ang naging sanhi ng sunog sa ilang mga kabahayan malapit sa kanto ng Osmeña Highway at Quirino Avenue sa San Andres, Maynila.
Pasado alas-tres kahapon ng ideklarang fire under control ng Manila Fire Department ang malaking sunog kung saan umabot ito ng ikalimang alarma.
Dahil pawang mga gawa sa light materials ang mga bahay ay mabilsi itong natupok at inaalam pa ng mga otoridad ang bilang ng mga nasunog na bahay samantalang wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa naturang insidente.
Nagpadala na ng mga tauhan ang Manila City Hall para tulungan ang mga nasunugan samantalang ang ilan naman sa kanila ay pansamantalang mananatili sa ilang mga covered court sa San Andres Bukid.
Sanhi ng sunog sa ilang mga kabahayan malapit sa kanto ng Osmeña Highway at Quirino Avenue, hindi pa rin matukoy
Facebook Comments