SANIB PWERSA | Dept. of Health, magiging katuwang ang UP-Philippine General Hospital para i-review at i-validate ang mga nasawi matapos mabakunahan ng Dengvaxia

Manila, Philippines – Nakipag-tulungan na ang Department of Health sa UP-Philippine General Hospital para i-review at i-validate ang mga nasawi matapos mabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, indipendent o sariling pag-aaral ang gagawin ng PGH para maging patas.

Anya, ang mga eksperto na magrereview ay walang intelektwal o pinansyal na koneksyon sa sanofi pasteur ang kumpaniyang gumawa ng Dengvaxia.


Kasabay nito, inatasan ng Department of Justice ang Public Attorney’s Office o PAO na tulungan ang pamilya ng mga batang nabigyan ng Dengvaxia na kalaunan ay namatay matapos tamaan ng severe dengue.

Facebook Comments