SANIB PWERSA | DPWH at DOE, magtutulungan para kumpunihin ang winasak ng bagyong Urduja sa Biliran province

Manila, Philippines – Nagsanib puwersa ngayon ang mga tauhan ng DPWH at DOE upang maisaayos ang mga winasak ng bagyong Urduja sa probinsya ng Biliran.

Titiyakin ng mga tauhan ng DPWH na agad maisaayos ang mga limang nasirang tulay partikular ang Catmon Bridge na nagdurugtong sa Biliran at Leyte.

Titiyakin din ng Department of Energy na agad maitayo ang lahat ng nabuwal na mga poste dulot ng bagyong urduja at maibalik ang daloy ng kuryente bago sumapit ang kapaskuhan.


Puspusan na ang pagtutulungan ng dalawang ahensya ng pamahalaan katulong na rin ang mga tauhan ng local na pamahalaan upang mapabilis ang restoration ng kuryente at mga tulay upang maibalik sa normal ang kabuhayan partikular sa Biliran.

Facebook Comments