Manila, Philippines – Nagsanib pwersa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) para sa mas malalim na imbestigasyon kaugnay sa smuggling ng shabu na nakalagay sa magnetic lifters.
Sa pagdinig ng house dangerous drugs committee, sinabi ni PDEA Region 4A director Adrian Alvarino na nagkasundo ang PDEA at BOC na magsagawa ng joint investigation.
Ayon naman kay PDEA Director General Aaron Aquino, sinampahan na nila ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang apat na sangkot sa smuggling ng shabu sa Manila International Container Port (MICP).
Kabilang dito sina Chan Yee Wah Albert, Zhang Quan, Vedasto Baraquel at Maria Lagrimas Catipan.
Samantala, humingi ng executive session si Alvarino sa komite para iulat ang mga lumalabas sa kanilang imbestigasyon.
Hindi anya nila maaring ilabas ito sa publiko dahil ongoing pa ang kanilang imbestigasyon at follow up operation.