Manila, Philippines – Wala pang nakikitang dahilan ngayon ang New People’s Army at Maute ISIS Terrorist Group para magsabwatan sa kabila ng pagkakapareho ng kanilang adhikain ito ay maghasik ng kaguluhan.
Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Bienvenido Datuin, batay sa kanilang monitoring hindi pa malawak na nakakagalaw ang mga miyembro ng Mautes ISIS Group sa Mindanao kaya malabo pang magkaroon ng ugnayan ang dalawang grupo.
Paliwanag ni Datuin na sa kabila na magkapareho ang adhikain ng dalawang grupong maghasik ng terroristic activities ay may pagkakaiba ang NPA sa Maute.
Dahil ang NPA aniya ay patuloy nilang nahihikayat na kusang loob na sumuko sa pamahalaan.
Hindi lamang aniya ng NPA maging ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ay nahihikayat na rin ngayon sumuko sa pamahalaan.
Ngunit umaasa silang maging ang Maute ISIS Group ay mahihikayat nilang sumuko.
Sa kabila naman na malabo pa ngayong magsabwatan ang dalawang grupo hindi naman tiyak ni Datuin kung mananatiling walang ugnayan ang NPA at Maute ISIS sa mga susunod na panahon.