SANITARY LANDFILL AT MRF SA BAYAN NG SAN MANUEL, PINASINAYAAN

Cauayan City – Isang makabuluhang proyekto nanaman ang napagtagumpayan ng Lokal na Pamahalaan ng San Manuel matapos ang isinagawang inagurasyon ng bagong tayong Sanitary Landfill at Material Recovery Facility sa kanilang bayan.

Ang proyektong ito ay simbolo ng maayos na pamumuno ni Hon. Faustino “Dondon” U. Dy, IV, Municipal Mayor, katuwang si Architect John Lester M. Pasardan, ang Municipal Planning and Development Coordinator, kung saan kagustuhan nila na maipatupad ang responsibleng pamamahala sa mga basura at pagpapahalaga sa kapaligiran at kalikasan.

Samantala, personal na dumalo sina DILG Regional Director Agnes A. De Leon, Engr. Corazon D. Toribio, Provincial Director ng DILG Isabela, Hon. Manuel Faustino U. Dy, Board Member ng 5th District ng Isabela, Hon. Catherine Joy L. Legaspi, SK Federation President ng Isabela, at Hon. Pinangunahan ni Temestocles A. Santos, Jr., Bise Alkalde ng Munisipyo, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga department heads upang tunghayan ang Inagurasyon.


Samantala, ang pondong ginamit para sa pagpapatayo ng MRF ay nagmula sa Seal of Good Local Governance Incentive Fund.

Facebook Comments