Dinaluhan ng mga volunteers at kawani ang pagtatanim ng ylang ylang tree sa paligid ng Sanitary Landfill sa Brgy. Sucoc-Norte, Luna, La Union.
Alinsunod ito sa Provincial Ordinance No. 007-2007, na kumikilala sa puno ng ylang ylang bilang Environment and Beautification Tree ng La Union.
Sa pagtatanim nito, inaasahan na mababalanse ng halimuyak ng ylang ylang ang amoy mula sa landfill.
Patuloy pa ang tree planting activities ng iba’t ibang punla tulad ng bakawan sa mga bayan sa La Union bilang hakbang sa pangangalaga sa kalikasan at proteksyon sa anumang kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









