Inihain ng Dagupan City Health Office ang Sanitary Order sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Male at Female Dormitories sa lungsod, matapos mapag-alaman ang umano’y paglabag sa pamamahala ng maruming tubig na umaagos sa drainage canal patungong Tondaligan Beach.
Nag-ugat ang desisyon ng tanggapan mula sa imbestigasyon na isinagawa noong January 9,2026 matapos ireklamo ng ilang residente sa Paras St. Brgy. Bonuan Gueset, ang mabahong amoy na pinaghihinalaang nagmumula sa piitan.
Base sa naging imbestigasyon, ang mabahong amoy, stagnant water, kakulangan ng malinaw na daluyan ng maruming tubig at kawalan ng Environmental Sanitation Clearance at Sanitary Permit, na siyang paglabag sa PD 856 at City Ordinance 1927 s. 2009.
Nauna nang nilinaw ng pamunuan ng BJMP Male and Female Dormitory sa IFM News ang naturang isyu na maaring nagmumula umano sa idinadaan na basura ang naamoy ng mga residente at tubig na ginamit ng mga PDLs sa paglalaba at pangligo.
Sa kabila nito, inirekomenda ng CHO ang pagpapatayo o pagpapalawak ng septic tank na may lingguhang siphoning upang matugunan ang basura gayundin ang paghingi ng tulong mula sa City Engineering Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










