Naghain ng apela ang Pharmaceutical Firm na Sanofi Pasteur sa Office of the President para hilinging mabawi ang Permanent Revoication ng Certificate of Product Registration ng Dengvaxia Vaccine.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, idineretso ng Sanofi ang kanilang apela sa Malacañan, at hindi naghain ng application for CPR.
Nitong Agosto, pinagtibay ng Food and Drug Administration (FDA) ang Revocation ng CPR sa Dengvaxia dahil sa kabiguan ng Sanofi na sumunod sa post-marketing requirements.
Sa datos ng DOH, mula Enero 1 hanggang Setyembre 21, nasa 320,000 Dengue cases na ang naitala.
Facebook Comments