Maaaring magpakawala ng tubig ang San Roque Dam mamaya, kung magpapatuloy ang malakas na pag-ulan at patuloy ang pagtaas ng tubig mula sa Binga at Ambuklao Dams.
Ayon kay Tere Serra, Flood Operation Manager ng NPC San Roque Dam Office, nasa 0.5 metro lamang ang inaasahang spilling level kung sakaling ituloy ang controlled release upang mapanatili ang ligtas na lebel ng reservoir.
Ang ilalabas na tubig ay daraan sa Agno River at mga pangunahing tributaries nito.
Inaasahang maaapektuhan naman ang mga bayan ng San Manuel, San Nicolas, Villasis, Asingan, Sta. Maria, Rosales, at Tayug sa Pangasinan; Carmen at Paniqui sa Tarlac; at Cuyapo at Aliaga sa Nueva Ecija.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente sa mga lugar na ito na maging alerto, lumikas kung kinakailangan, at makipag-ugnayan sa kanilang barangay at lokal na disaster risk reduction and management offices.
Patuloy ang koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan sa San Roque Power Corporation para sa mga posibleng abiso.
Inaasahang maglalabas ng opisyal na anunsyo ang San Roque Dam sakaling magpakawala na ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









