Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Santa Ana, Cagayan dahil sa pinsalang dulot ng Bagyong Neneng.
Ayon kay Santa Ana Mayor Nelson Robinion, nasa 170 pamilya o 600 katao mula sa 16 na barangay ang apektado ng bagyo dahil sa baha at landslide.
Maliban dito, nakaranas din ng malawakang baha ang bayan ng Aparri kung saan nasa halos 14,000 katao ang apektado.
Nagpapatuloy naman ang inspeksyon ng mga otoridad sa pinsala dulot ng bagyo sa kabuhayan ng mga mamamayan doon.
Samantala, lumobo pa sa 7,519 na pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Neneng.
Ayon sa NDRRMC, katumbas ito 27,914 indibiwal mula sa 160 na mga barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley At Cordillera Administrative Region (CAR).
Facebook Comments