Hindi nga naman kumpleto ang pagdiriwang ng Pasko para sa marami kung wala si Santa Claus dahil isa siya sa nagsisilbing simbolo ng kasiyahan at pagbibigayan lalo na para sa mga bata tuwing kapaskuhan.
Sinong mag-aakala, na nasa Dagupan City lang pala si Santa Claus?
Kinagigiliwan ngayon sa isang pribadong paaralan dito sa lungsod ng Dagupan, ang traffic enforcer na nagbihis bilang Santa Claus habang inaalalayan ang mga mag-aaral at staff ng paaralan.
Naging mas makulay at masaya ang pagsalubong sa bawat pagbati nito sa mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa paaralan araw-araw.
Bukod dito, nagsisilbi rin siyang traffic enforcer upang tumulong sa maayos na daloy ng mga naghahatid ng mga estudyante at sa mga magulang na kanyang nakakasalamuha.
Minsan lang sa isang taon ang pasko kaya ang simpleng gawain na ito ay sumasalamin sa tunay na diwa ng Pasko, ang pagbibigay ng saya at kabutihan sa kapwa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









