Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kanilang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa nakalipas na dalawang linggo.
Nakapagtala ng 22.14% ADAR ang Tuguegarao City habang 12.69% naman ang ADAR ng Santiago City.
Nasa high epidemic risk classification naman ang mga lalawigan ng Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino at Isabela kabilang ang mga lungsod ng Cauayan at Ilagan.
Nananatili naman sa moderate epidemic risk classification ang lalawigan ng Batanes.
Ang lambak ng Cagayan ay nasa kategorya namang high epidemic risk classification.
Samantala, base sa assessment ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng DOH Region 2, nasa Alert Level 4 na ang status ng Cagayan at Tuguegarao City. Ang nalalabing bahagi ng Rehiyon dos ay nasa Alert Level 3 status naman.
Nililinaw na ito ay base sa assessment ng DOH-2 at wala pang opisyal na deklarasyon ang IATF.