Santiago City, Higit 4K na ang Naitalang COVID-19 Cases

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 4,482 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Santiago.

Ito’y matapos madagdagan ng apat (4) na panibagong positibong kaso at isang (1) reinfection case.

Nakapagtala rin ang Lungsod ng Santiago ng tatlong (3) panibagong gumaling sa COVID-19 habang wala namang naiulat na namatay sa nasabing sakit.


Sa kasalukuyan, mayroong 36 na active confirmed cases ng COVID-19 sa Santiago City.

Mula sa 4,482 na total confirmed cases ng Santiago City, 4,321 na sa mga ito ang gumaling samantalang 125 naman ang naitalang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Facebook Comments