Santiago City, Nakapagtala Na ng Isang Drug Free Barangay!

Santiago City, Isabela- Drug Cleared na ang Barangay Bannawag Norte mula sa tatlumpu’t pitong (37) barangay na nasasakupan ng lungsod sa ginanap na paggawad kahapon, Marso 5, 2018 sa naturang barangay.

Ito ay dinaluhan at pinangunahan nina PSSUPT John Cornelius Jambora, Deputy Regional Director for Operation (DRDO), PRO2, City Director PSSUPT Percival Rumbaoa ng SCPO, Dir. III Laurel Gabales, Regional Director of PDEA, PCI Reynaldo Maggay, PCI Rolando Gatan, City Mayor Joseph Tan, members of DILG at DOH, Brgy. Captain Editha Pascua ng naturang barangay at kasama na rin ang BADAC at Auxilliary members ng Bannawag Norte.

Sa pakikipag ugnayan ng RMN Cauayan News Team kay PCI Reynaldo Maggay ng Police Station 2 Santiago City, nakumpleto umano ng barangay Bannawag Norte ang mga dokumento at mga pamantayang kinakailangan upang masabing Drug Cleared ang isang barangay.


Ikinatuwa at nagpapasalamat naman ang hepe sa matagumpay na resulta ng kanilang kampanya kontra droga at pagbibigay serbisyo sa kanilang nasasakupan.

Inaasahan din ng hepe na sunod-sunod na ang pagdedeklara ng Drug Free sa iba’t ibang Barangay bagamat may mga lugar pa umanong kulang pa sa mga dokumento.

Inihayag pa ng hepe na bigyang importansiya ng barangay ang kanilang iginawad parangal lalo na sa mga nagtapos sa Community Based Rehabilitaion Program (CBRP) ng lungsod na huwag nang balikan ang kanilang maling gawain at bisyo bagkus patunayan sa kanilang sarili na sila ay tunay nang nagbago.

Facebook Comments