Santiago City, Nakapagtala ng Isang Reinfection Case ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng isang (1) reinfection case ng COVID-19 ang Lungsod ng Santiago.

Batay sa impormasyon na inilabas ng City Government ng Santiago as of 8:00PM ng Agosto 1, 2021, mayroong isa (1) na pasyente ang muling tinamaan ng COVID-19 samantalang wala namang naiulat na bagong kinapitan ng virus.

Wala rin naitala na bagong gumaling at namatay sa COVID-19 ang Lungsod ng Santiago.


Sa kasalukuyan, mayroon pang 22 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Santiago City mula sa 4,446 na naitalang kabuuang bilang ng COVID-19.

Mula naman sa 4,446 total confirmed cases, 4,301 na sa mga ito ang ‘fully recovered’.

Ang Lungsod ng Santiago ay nananatiling sumasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) base na rin sa pinakahuling quarantine qualifications na inilabas ng Inter Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments