SANTIAGO CITY TOURISM MONTH, IPINAGDIRIWANG

CAUAYAN CITY- Idinaraos ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Santiago ang Santiago City Tourism Month.

Ito ay sa pamamagitan ng Tourism Promotion Section ng City Information, Culture & the Arts, and Tourism Office (CICATO) kung saan ang tema ngayong taon ay “Tourism and Peace”.

Nakahanay naman ang iba’t-ibang aktibidad na naglalayong paigtingin ang partisipasyon ng bawat Santiagueño at isulong ang turismo sa Lungsod.


Kabilang sa mga tampok na aktibidad sa selebrasyon ay ang Santiago City Tourism Expo, DOT Accreditation Assistance Desk, Tourism Local Recruitment Activity, Filipino Brand of Service Excellence, Dos Por Dos Motorcycle Tourism, at marami pang iba.

Ang naturang selebrasyon ay nagsimula noong ika-16 ng Setyembre at magtatapos ngayong ika-28 ng buwan taong kasalukuyan.

Facebook Comments