
Cauayan City – Nag-uwi ng karangalan para sa Lungsod ng Santiago si Prince Gian Macario ng Divisoria National High School sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2025.
Nakamit ni Macario ang tagumpay kung saan nakuha niya ang bronze medal sa larangan ng Pencak Silat Regu-Team Artistic.
Ipinakita ni Prince Gian ang kanyang husay, at dedikasyon sa naturang kompetisyon,kasama ang kanyang team.
Sa kabila ng matinding pagsasanay at matinding laban mula sa iba’t-ibang rehiyon, matagumpay nilang naipamalas ang kanilang talento sa palaro.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para kay Prince Gian kundi para din sa lahat ng Santiagueño.
Isa itong inspirasyon sa kabataan na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at paniniwala sa sarili, ay walang pangarap na hindi kayang abutin.









